Monday, February 8, 2010

Chubby - Chabi - at Tubby ... alin alin alin ang naiba?

Sa araw-araw na ginawa ng diyos ay lagi tayong nakakakita ng mga taong naglalakad. May taong payat, may taong mataba, bata, matanda, bakla, tomboy, butiki, baboy, pilay, lumpo, kirat panot at kung ano pa man.... pero lingid sa kaalaman ng mga taong naglalakad na ito, palaging may nagmamasid sa kanila. Sari-saring idea kung ano ang tingin nila sa mga taong nakikita ng kanilang dalawang mata, siguro nga kahit takpan natin ng magkabilang mata nila tulad ng sa kabayo ay hindi pa rin nila matitiis na hindi magcomment sa mga yapak ng paa(o sapatos na naririnig nila).

Minsan nagusap ang mga magkakaibigan at narinig ko bigla, para silang namimili ng mga gamit habang dumadaan sa harapan nila ang mga "girls of all shapes and sizes". Sabi nila sexy yung isa, sabi neto mataba yung isa, uy tignan mo balyena o! , uy hugis bote ng gatorade, WOW type ko yung isa yung CHUBBY!

Chubby....
Chubby... teka ano nga ba ang kahulugan ng salitan iyan? eto ba ay mapayat? eto ba ay mataba? kailangan bang pandak sya o kailangan lang mabilog ang pisngi at kung anong parte ng katawan nya?

eto ang kadalasang obserbasyon kapag sinasabing chubby ang tao:

1. Eto ay babae - syempre kung lalake ang sasabihan ng chubby dederecho na agad ito sa salitang "BABOY" o "MATABA".

2. Maganda - hindi ko maintindihan kung ano ang kinalaman ng pagiging maganda sa tinatawag nila sa chubby pero kung hindi maganda ang matabang babae ay sinasabi nila agad na "napabayaan sa kusina"

3. Maputi - oo nga naman kelangan cute at maputi.... kung sunog ang kulay ay sasabihan agad nila ito na "Lechon"

4. Medyo Maliit - to complete the package ng cute: Short and ugly= troll = cute?? ha? bakit ba naging cute ang troll? kung nagkataon pala sila ang sinaunang chubby. pero totoo, bihira lang ang matangkad na nasasabihan ng chubby.

5. medyo sexy - haa??? akala ko ba mataba ang chubby? mapayat na medyo mataba = chubby ..... bakit ganun.... naalala ko dun sa nilalaro ko dati sa PS1 ang chubby chocobo ay isang damulag na chocobo..... so ano ba talaga ang chubby?

isang misteryo pa rin kung ano ang chubby, marahil ang chubby talaga ay isang "WELL ROUNDED PERSON" na maputi pero sa tingin ko itong salita na ito ay ginagamit lang ng mga taong ayaw aminin na mataba na sila (specially sa mga babae hehehehe)...

* napansin ko rin ang commercial ng Chabi sa tv dati.. ito ay punong puno ng matatabang bata.... ibigsabihin ba nito ay ang salitang chubby ay ang bagong mataba? niloloko na ba tayo ng mga salita ngayon para hindi natin malaman ang pag-kakaiba ng payat sa matabang-payat? haaayyy... basta ang matatandaan ko dito ay kapag nginuya mo ng tuloy tuloy ang chabi at inilabas mo sa dila mo.. ito ay mukhang KULANG-OT ..... maraming calls.. ibig sabihin kulang ang nag-OT...... Kulang-OT

No comments:

Post a Comment