Monday, February 8, 2010

Tungaw!... WASD yan!!!!

WASD ... kung hindi mo alam kung ano yan subukan mong tignan ang keyboard sa ibaba ng kaliwang kamay mo... o ano nakita mo? yan ang tawag sa mga letrang madalas ginagamit sa counter-strike. eto rin ang madalas napupudpod sa computershop. madalas eto rin ang unang mga letra na lumalabas kapag gumagawa ka ng spam sa ym.... bakit? dahil mas malapit ito sa alt+tab. speaking of nawawalang mga letra sa keyboard, naisip nyo na ba kung anong klaseng tao ang nakikicube share sa inyo kung bakit nawawala ang mga print sa letra ng keyboard?

Ilang scenario ng nawawalang mga letra:

1. nawawala ang WASD - syempre kung eto ang nawawala alam mo na gamer ang ka-cubeshare mo... sa dalas ba naman nya umiwas sa mga bala gamit ang wasd siguradong pudpod yun... katulad ng tsinelas na pinapepreno sa bike.

2. nawawala ang mga numbers sa right side ng keyboard - posibleng antukin lang an kacubeshare mo ay palagi nyang natutuluan ng laway ang parte na iyon o isa syang bisness maynded na tao.... kung gaano sya kabilis mag-compute ganun din kabilis ito napupudpod. ganun din sya kayaman/ka-gastador

3. nawawala ang 1234567 sa taas ng keboard- malamang beterano na ito sa paglalaro ng dota dahil sa kada simula ng laro eto ang pinipindot kasama ang ctrl.

4. nawawala ang f5 - mahilig lang sya magbrowse at madalas mag hang ang internet.

5. nawawala si best friend ALT- TAB : ibig sabihin, masikreto ang taong gumagamit ng computer, lagi syang handang magtago minsan din dahil dito naipopost nya ang SR sa face book at PW sa YM.

6. nabubura ang SHIFT - ang dahilan nito ay..... lagi syang GALIT!!!! NAKA ALL CAPS SYA LAGI!!

7. kung lahat ng letra nabubura..... wla nang pag-asa... pasmado yung ka cubeshare mo,... baka mahawa ka pa...

1 comment:

  1. hahahaha panalo to! palong palo..

    buong keyboard ang nawala..!
    amps, malamang sa malamang wala ring keyboard kcubeshare ko na lumipat na ng workstation..

    ReplyDelete