Monday, February 8, 2010

Valentines day.... isang malaking tulong sa ating ekonomiya.

Sa panahon ngayon napakalaking tulong talaga ng valentines day. Dahil sa sobrang hirap ng buhay at taas ng unemployment rate, kinakailangan talagang gumawa ng racket(badminton).

nakakatulong ang valentines day??? nung una hindi ko ito mapaniwalaan dahil puro sakit ng ulo, paghihinagpis at inis lang ang nararamdaman ko sa normal na araw na ito pero there's more to it pala....

eto ang kadalasang tulong ng valentines day sa ekonomiya:

1. Mabulaklak - oo tama maraming bulaklak kapag valentines day.. panalo ang dangwa at kung ano anong flower shop sa ganitong araw dahil dito lang sila bumebenta ng malaki bukod sa araw ng patay na puro korona ang inoorder sa kanila. dahil dito nagkakaroon ng instant trabaho ang mga kabataan at matatanda upang bentahan ang mga lalakeng nakakalimot magbigay/bumili ng bulaklak sa kanilang mahal. OO lamang din sila lito atienza at raul roco dahil puro bulaklak ang trip nila. tumataas ng 100% ang benta ng bulaklak kapag valentines

2. Mapula - Syempre mapula.... sa panahon nating ito na nababalutan ng madilim at pink na aura ng mga EMO ang bilihan ng damit at ukay ukay, dapat paminsan minsan din may ibang kulay na masaya.. ito ay ang pula.... pulang tshirt ang uso sa panahong ito. break muna sa pagiging EMO dahil hindi mo makukuha ang biyaya ng valentines day sa school(bonus sa exam at attendance) sa mall(promo kapag naka pula ka) sa bar at kung ano ano pa. kung hindi pula jologs yan. ayon sa statistics... pinapataas ng valentines day ng 60% ang sales ng mga pulang tshirt..

3. Memorable - syempre kung valentines day maerong date... at dahil dito patok ang mga restawran(lalo na yung teritoryo ng bubuyog na malaki ang pwet at nung kumpare nya na natusok nya sa paa) mas lalong magsisikip ang mga malls dahil sa mga nagdedate at lalo na ang paborito naming timezone.... kung memorable dapat may picture! at yung ... dagdag sales nanaman sa hindi pumapatok na sticker/photoprint machine sa timezone.

4. Malaswa - syempre... alam nyo na kung ano ang tumataas ang benta kapag ganito.. lalo na kung gabi... ang dating rate nila na 1k ay tumataas.... tumataas din ang service level sa mga hotels kagaya ng anito at sogo dahil sa mga nalalasing

5. lastly tumataas din ang sales sa mga haran service dahil dito sa mga ganitong event sila ngkakaroon ng customer.

basta ako wala akong pakealam sa sa valentines... queueing yan siguradong OT.. maraming nakalaeave.. kulang OT nanaman.... parang kulay ng valentines.. pula... kapag nasobrahang sa pangku-KULANG-OT..

No comments:

Post a Comment