Monday, February 8, 2010

Tungaw!... WASD yan!!!!

WASD ... kung hindi mo alam kung ano yan subukan mong tignan ang keyboard sa ibaba ng kaliwang kamay mo... o ano nakita mo? yan ang tawag sa mga letrang madalas ginagamit sa counter-strike. eto rin ang madalas napupudpod sa computershop. madalas eto rin ang unang mga letra na lumalabas kapag gumagawa ka ng spam sa ym.... bakit? dahil mas malapit ito sa alt+tab. speaking of nawawalang mga letra sa keyboard, naisip nyo na ba kung anong klaseng tao ang nakikicube share sa inyo kung bakit nawawala ang mga print sa letra ng keyboard?

Ilang scenario ng nawawalang mga letra:

1. nawawala ang WASD - syempre kung eto ang nawawala alam mo na gamer ang ka-cubeshare mo... sa dalas ba naman nya umiwas sa mga bala gamit ang wasd siguradong pudpod yun... katulad ng tsinelas na pinapepreno sa bike.

2. nawawala ang mga numbers sa right side ng keyboard - posibleng antukin lang an kacubeshare mo ay palagi nyang natutuluan ng laway ang parte na iyon o isa syang bisness maynded na tao.... kung gaano sya kabilis mag-compute ganun din kabilis ito napupudpod. ganun din sya kayaman/ka-gastador

3. nawawala ang 1234567 sa taas ng keboard- malamang beterano na ito sa paglalaro ng dota dahil sa kada simula ng laro eto ang pinipindot kasama ang ctrl.

4. nawawala ang f5 - mahilig lang sya magbrowse at madalas mag hang ang internet.

5. nawawala si best friend ALT- TAB : ibig sabihin, masikreto ang taong gumagamit ng computer, lagi syang handang magtago minsan din dahil dito naipopost nya ang SR sa face book at PW sa YM.

6. nabubura ang SHIFT - ang dahilan nito ay..... lagi syang GALIT!!!! NAKA ALL CAPS SYA LAGI!!

7. kung lahat ng letra nabubura..... wla nang pag-asa... pasmado yung ka cubeshare mo,... baka mahawa ka pa...

Head to Head Battle: The Body versus The Hotness

Ladies and gentlemen, please welcome to the first edition of Head to Head Battle!!! For this edition ang ating maglalaban ay... Coke versus Zola!!!!








Chubby - Chabi - at Tubby ... alin alin alin ang naiba?

Sa araw-araw na ginawa ng diyos ay lagi tayong nakakakita ng mga taong naglalakad. May taong payat, may taong mataba, bata, matanda, bakla, tomboy, butiki, baboy, pilay, lumpo, kirat panot at kung ano pa man.... pero lingid sa kaalaman ng mga taong naglalakad na ito, palaging may nagmamasid sa kanila. Sari-saring idea kung ano ang tingin nila sa mga taong nakikita ng kanilang dalawang mata, siguro nga kahit takpan natin ng magkabilang mata nila tulad ng sa kabayo ay hindi pa rin nila matitiis na hindi magcomment sa mga yapak ng paa(o sapatos na naririnig nila).

Minsan nagusap ang mga magkakaibigan at narinig ko bigla, para silang namimili ng mga gamit habang dumadaan sa harapan nila ang mga "girls of all shapes and sizes". Sabi nila sexy yung isa, sabi neto mataba yung isa, uy tignan mo balyena o! , uy hugis bote ng gatorade, WOW type ko yung isa yung CHUBBY!

Chubby....
Chubby... teka ano nga ba ang kahulugan ng salitan iyan? eto ba ay mapayat? eto ba ay mataba? kailangan bang pandak sya o kailangan lang mabilog ang pisngi at kung anong parte ng katawan nya?

eto ang kadalasang obserbasyon kapag sinasabing chubby ang tao:

1. Eto ay babae - syempre kung lalake ang sasabihan ng chubby dederecho na agad ito sa salitang "BABOY" o "MATABA".

2. Maganda - hindi ko maintindihan kung ano ang kinalaman ng pagiging maganda sa tinatawag nila sa chubby pero kung hindi maganda ang matabang babae ay sinasabi nila agad na "napabayaan sa kusina"

3. Maputi - oo nga naman kelangan cute at maputi.... kung sunog ang kulay ay sasabihan agad nila ito na "Lechon"

4. Medyo Maliit - to complete the package ng cute: Short and ugly= troll = cute?? ha? bakit ba naging cute ang troll? kung nagkataon pala sila ang sinaunang chubby. pero totoo, bihira lang ang matangkad na nasasabihan ng chubby.

5. medyo sexy - haa??? akala ko ba mataba ang chubby? mapayat na medyo mataba = chubby ..... bakit ganun.... naalala ko dun sa nilalaro ko dati sa PS1 ang chubby chocobo ay isang damulag na chocobo..... so ano ba talaga ang chubby?

isang misteryo pa rin kung ano ang chubby, marahil ang chubby talaga ay isang "WELL ROUNDED PERSON" na maputi pero sa tingin ko itong salita na ito ay ginagamit lang ng mga taong ayaw aminin na mataba na sila (specially sa mga babae hehehehe)...

* napansin ko rin ang commercial ng Chabi sa tv dati.. ito ay punong puno ng matatabang bata.... ibigsabihin ba nito ay ang salitang chubby ay ang bagong mataba? niloloko na ba tayo ng mga salita ngayon para hindi natin malaman ang pag-kakaiba ng payat sa matabang-payat? haaayyy... basta ang matatandaan ko dito ay kapag nginuya mo ng tuloy tuloy ang chabi at inilabas mo sa dila mo.. ito ay mukhang KULANG-OT ..... maraming calls.. ibig sabihin kulang ang nag-OT...... Kulang-OT

Sunday, February 7, 2010

Kulang-O.T.... Genesis...

Kasalanan ni Mark Aurelio Beloy ang lahat...

Matagal na sana nagawa itong project na ito...

Mula pa dun sa Sinetch Itech project ng escapades ng isang taong itago na lang natin sa pangalang...

HARDINERO...

Kaya lang...


Tamad kasi talaga si Mark Aurelio Beloy...

At pinagkaka-abalahan nya ang mga anime characters na sinlaki ng totoong tao...

At kahit marami ang queue...

Hindi siya nago-overtime...

Dahil nga abala siya sa
mga anime characters na sinlaki ng totoong tao...

Kaya ngayon lang nabuo ang nabinbin na proyekto...

Bukod sa Can't-O.T...

Trip din ni Mark Aurelio Beloy ang mag-vacation leave ka kasagsagan ng US holidays kung kailan...

Marami sanang pera...

Kaya ayon...

Isa siyang ganap na
...

KULANG-O.T.!!!!